Please click here to leave an anniversary message (in any language you choose). You do not need to be a member of Lowlands-L to do so. In fact, we would be more than thrilled to receive messages from anyone. Click here to read what others have written so far.
What’s with this “Wren” thing?
The oldest extant version of the fable
we
are presenting here appeared in 1913 in the first volume of a two-volume anthology
of Low
Saxon folktales (Plattdeutsche
Volksmärchen “Low German Folktales”)
collected by Wilhelm Wisser (1843–1935). Read
more ...
Dati-rati, merong namumugad na mayang pipit sa isang garahe. Ang magulang na
ibon ay parehong nakalipad na para sa pagkuha ng pagkain ng kanilang mga inakay
at dahil dito, mag-isang nangaiwan ang mga inakay sa pugad.
Hindi nagtagal, bumalik ang amang pipit.
“Ano ang nangyari rito?” tanong niya. Mga anak, sino ang may kagagawan
nito?, Bakit kayo ay takut na takot?
“Naku po! Itay, wika nila. Kaaalis lamang po ng maligno. Animo isang mabangis
at nakapanghihilakbot na nilalang! Pinandilatan pa niya ng husto ang pugad
natin. Natakot po kami ng labis!”
“Ganoon ba?” uli ng amang pipit. “Nasaan na siya?”
“Sa banda po roon siya naroroon” tugon ng mga inakay.
“Saglit nga at mapuntahan!” sabing muli ng amang pipit. Pupuntahan ko
siya. Huwag kayong matakot mga anak. Humanda siya sa akin. Mula roon, lumipad
ang amang pipit para harapin ang maligno.
Ngunit, sa pagliko, leon ang nakita niyang naglalakad sa banda roon at
hindi maligno.
Hindi siya natakot. Karaka-raka niyang pinagalitan ang leon habang siya
ay nakadapo sa likod nito. “Bakit ka pumunta sa pugad namin,” galit na tanong
niya sa leon. Dahil sa iyo hanggang ngayo’y namumutla sa takot ang mga anak
ko.
Parang walang narinig ang leon habang patuloy siya sa paglalakad.
Lalong naasar ang amang pipit. Uulitin ko sa’yo, huwag na huwag ka nang
pupunta sa pugad namin, dahil ‘pag nagkataon, malilintikan ka! Wika ng amang
pipit na sobra ang galit.
Pagkaraan ng pangyayaring iyon, lumipad na ang amang pipit pauwi sa kanilang
pugad.
“Mga anak,” wika niya. Huwag na kayong matakot, binigyan ko siya ng isang
matinding leksyon. Kailan man ay hindi na siya muling makapupunta rito sa pugad
natin.