Please click here to leave an anniversary message (in any language you choose). You do not need to be a member of Lowlands-L to do so. In fact, we would be more than thrilled to receive messages from anyone. Click here to read what others have written so far.
What’s with this “Wren” thing?
The oldest extant version of the fable
we
are presenting here appeared in 1913 in the first volume of a two-volume anthology
of Low
Saxon folktales (Plattdeutsche
Volksmärchen “Low German Folktales”)
collected by Wilhelm Wisser (1843–1935). Read
more ...
Listen to
this version narrated with native pronunciation:
Dati ay may pugad ang pipit sa isang munting garahe. Ng ang magulang na pipit
ay lumipad upang humanap ng makakain ang mga inakay ay naiwang nag-iisa.
Hindi nagtagal ang amang pipit ay dumating.
“Anong nangyari dito? Sino ang nanakit sa inyo,
bakit kayo nahihintakutan?”
“O amang pipit, may dumating na mamaw kanina
lang. Nakakatakot mabangis at nakaka sindak ang mukha niya. Tinitigan ng nanlilisik
niyang mga mata ang
ating pugad.
Kaya takot na takot kami.”
“Ganoon ba,” sabi ni Amang pipit, “saan siya
nagpunta?”
“Doon sa banda roon siya nagtungo.”
“Maghintay kayo dito,” sabi ng Amang Pipit,
“Susundan ko siya. Huwag na kayong mag-alala mga inakay. Ako ang bahala sa
kanya. Hindi nagtagal
ay lumipad
siya para sundan ang mamaw.
Pag liko niya sa kanto, ay isang leon ang nakita
niyang naglalakad doon.
Subalit hindi natakot ang pipit. Humapon siya
sa likod ng leon at nagsimulang pagalitan ito. “Bakit ka dumayo sa aming pugad
at
nanakot
sa aking mga
inakay?”
Hindi siya pinansin ng leon na nagpatuloy sa
paglalakad.
Lalong nagngalit ang pipit at lalong nagtatalak.
“Wala kang karapang pumunta doon. Sinasabi ko sa iyo, huwag na huwag kang babalik
doon dahil kung hindi
ay may masamang mangyayari sa iyo. Ayokong gawin ito” sabi
ng pipit, habang tinataas
niya ang kanyang paa, “pero babalian kita ng buto sa isang
sag lit lang sa sandaling bumalik ka doon!”
Pagkatapos ay lumipad pabalik ang amang pipit sa pugad niya.
“O, hayan mga anak, tinuruan ko na siya nang
leksiyon. Hindi na niya kayo muling gagambalain pa.”