Please click here to leave an anniversary message (in any language you choose). You do not need to be a member of Lowlands-L to do so. In fact, we would be more than thrilled to receive messages from anyone. Click here to read what others have written so far.
What’s with this “Wren” thing?
The oldest extant version of the fable
we
are presenting here appeared in 1913 in the first volume of a two-volume anthology
of Low
Saxon folktales (Plattdeutsche
Volksmärchen “Low German Folktales”)
collected by Wilhelm Wisser (1843–1935). Read
more ...
Noon, may namumugad na mayang pipit sa isang garahe. Kapwa nang nakalipad ang
mga magulang na ibon –
upang ikuha ng makakain ang kanilang mga inakay –
kaya
naiwang nag-iisa ang mga ito.
’Di nagtagal, umuwi ang amang pipit.
“Ano’ng nangyari rito?” anya. “Sino’ng nanakit sa inyo, mga anak? Takot na takot
kayong lahat!”
“Naku, Tatay”, anila, “may dumating na maligno ngayon-ngayon lang. Mukha
siyang napakabangis at kahindik-hindik! Pinanlisikan niya ng kanyang malalaking
mata ang ating pugad. Takot na takot kami!”
“A, ganoon”, ani Amang Pipit, “saan siya nagtungo?”
“Doon po sa banda roon siya nagpunta”, anila.
“Tekayo!” ani Amang Pipit, “Susundan ko siya. Huwag na kayong mag-alala,
mga anak. Lagot siya sa akin.” At lumipad na siya upang sundan ang maligno.
Sa may pagliko, ’yung liyon pala ang naglalakad doon.
Hindi iyon ikinatakot ng pipit. Dumapo siya sa likod ng liyon at nagsimulang
pagalitan ito. “Ano’ng pakialam mong magpunta sa bahay ko”, aniya, “at tinakot
mo pa ang mga anak ko?”
Hindi siya pinansin ng liyon at nagpatuloy sa kanyang paglalakad.
Ikinainis ito ng daldalerong pipit at lalong siyang tinalakan. “Sinasabi ko lang
sa iyo, wala kang karapatang pumunta roon! At kapag bumalik ka pa”, aniya,
“makikita mo! Talagang ayokong gawin ito”, sabi niya at may kasama pang pagtaas
ng isang binti, “nguni’t babalian kita ng gulugod sa pamamagitan ng paa ko
sa isang saglit lamang!”
At lumipad na nga siyang papauwi sa kanyang pugad.
“O, hayan, mga anak”, aniya, “tinuruan ko na siya ng liksyon. Hinding-hindi
na siya babalik.”